
Dreamcide
·드림사이드
Dumaranas ng paulit-ulit na bangungot si Ha-Jin Nam, ngunit isang gabi ay napanaginipan niya ang isang post-apocalyptic na mundo pitong taóng nasa hinaharap, kung saan nakikipaglaban ang mga tao para mabuhay kasama ang mga demonyo at zombie. Inakala niya munang isa lang itong bangungot hanggang makilala niya ang isang babae mula sa panaginip, si Yu-Ri Hong, na lumipat sa kaniyang paaralan. Natuklasan ni Ha-Jin na nakakausad siya sa pagitan ng normal na buhay-eskuwela at ng nalalapit na sakuna. Tinatalakay ng kuwento kung mapipigilan niya ang mga pangyayaring tutungo sa pagkawasak ng mundo.
