

Kiss Sixth Sense
Sixth Sense Kiss·키스 식스 센스
May taglay na natatanging kakayahan ang isang babae: sa tuwing hahalik siya sa iba, may natatanaw siyang mga piraso ng kinabukasan nito. Nahihirapan siyang makahanap ng makabuluhang koneksiyon dahil hindi siya kasama sa kaniyang mga pangitain. Nagbago ito nang hindi sinasadyang mahalikan niya ang kaniyang boss, isang lalaking may sariling lihim na agenda. Nagulat siya nang ipakita ng pangitain niya na kasama ito sa kaniyang kinabukasan. Lalo pang nagulo ang sitwasyon nang bumalik siya sa trabaho at nadiskubre niyang sumali sa kaniyang team ang dati niyang kasintahan. Kailangan niyang harapin ang hamon ng pagtatrabaho kasama ang lalaking minahan niya noon at ang isang inihula ng pangitain na para sa kaniya.




