
Rebuild World
·リビルドワールド
Isang grupo ng mga indibidwal ang sumusuong sa mga labi ng isang nawasak na sibilisasyon, sa udyok ng mga korporasyong city-state na kumikita sa mga nalalabing bagay nito. Sa loob ng mga gibang lugar na ito ay may mga makabagong artifact na lampas pa sa kakayahan ng mga korporasyon. May ilang mga hunter na yumaman, ngunit marami ang namamatay sa kamay ng mga bioweapon at robot. Para sa mga mahihirap, ang paghahanap ng relic ang tanging daan palabas. Si Akira, isang nagugutom at walang pinag-aralan na binatilyo na nakatira sa mga iskwater malapit sa Kugamayama City, ay tumitingin sa relic hunting bilang nag-iisang pagkakataon para sa mas magandang buhay. Halos kamatayan ang sinapit ng kaniyang unang pagsubok sa mga gibang lugar hanggang sa makasalamuha niya ang isang misteryoso at di-mahawakang babae na nagngangalang Alpha.






