

Sun-Ken Rock
·サンケンロック
Maraming kawalan ang naranasan ni Ken Kitano, kabilang ang kaniyang pamilya, mga pangarap, at si Yumin, ang kaniyang unang krash na lumipat sa Korea upang maging pulis. Walang patumanggang nakikipag-suntukan siya hanggang sa malaman niyang naabot na ni Yumin ang pangarap nito, kaya nagtungo siya sa Seoul. Sa halip na maging pulis, naakit niya ang pansin ng isang street gang at naging pinuno nito. Sinusubok ang kaniyang prinsipyo at paniniwala habang inaangkop niya ang sarili sa bagong buhay na kailangang itago kay Yumin, na patuloy na dedikadong opisyal.