

Hitoribocchi no Chikyuu Shinryaku
ひとりぼっちの地球侵略
Nasasabik si Kouichi sa pagsisimula ng high school dahil mas malapit na siyang makatulong sa pagpapatakbo ng coffee shop ng kaniyang lolo. Sa kaniyang unang araw, lumapit sa kaniya ang isang batang babaeng nakasuot ng kakaiba at nakakatakot na maskara, na nag-aangking pumarito ito upang kunin ang kaniyang buhay. Ipinaliwanag nitong ang puso sa loob ng katawan niya ay talagang sa kaniya, at nagpakilala bilang isang alien na naghahangad sakupin ang mundo.

