
Montage
モンタージュ
Isang 10-anyos na bata at ang kaniyang kaibigan ang nakatagpo ng isang naghihingalong lalaki sa eskinita, na nagsabing ang ama ng bata ang nasa likod ng tanyag na pagnanakaw sa bangko. Bago tuluyang mamatay, pinagbilinan ng lalaki ang mga bata na "huwag magtiwala kaninuman." Pinangako ng kaibigan ng bata na ililihim niya ang sikreto. Di nagtagal, natagpuang patay ang ama ng bata, at siya ay inampon ng pamilya ng kaibigan. Inuri ang pagkamatay bilang aksidente, ngunit may suspetsa ang bata na may iba pa rito. Anim na taon ang lumipas, nananatili siyang ginagambala ng mga pangyayari at nagpasyang mag-imbestiga.

