
Netsuzou: Chijin no Ai
捏造・痴人の愛
Payak lang ang buhay ni Joji Kawai bilang isang empleyado hanggang sa magtagpo sila sa isang cafe ni Naomi, isang kaakit-akit na waitress na labinlimang taong gulang. Napagkasunduan nilang magsama sa iisang bahay "na parang magkaibigan," kung saan si Joji ang bahalang magpaaral sa kaniya at magturo ng mga kaasalang sa palagay niya ay bagay sa isang asawa. Ang lumabas sa ganitong pagpapalaki ay malayong-malayo sa babaeng inasahan niyang lalabas.