
Mx0
エム×ゼロ
Sa isang panayam sa pagpasok sa Seinagi Private High School, nang tanungin si Kuzumi Taiga kung ano ang gagawin niya kapag mayroon siyang kapangyarihang mahika, nagbiro siyang sasakupin niya ang mundo. Tumawa ang babaeng nag-interview sa kanya. Nang hindi siya tanggapin, hindi niya gaanong matandaan ang nangyari pagkatapos ng panayam, tanging ang dalaga lamang, at pinaghihinalaan niyang ito ang dahilan ng kanyang pagkabigo. Kinabukasan, sinubukan niyang muling pumasok sa paaralan ngunit pinigil siya ng isang di-nakikitang harang. Akala ng gurong si Mr. Hiiragi ay estudyanteng nag-eskapo sa klase, kaya hinatak siya nito sa loob ng harang. Doon nahayag na isang magic academy pala ang paaralan, at si Kuzumi, kahit nakapasok na, ay walang taglay na anumang kakayahang mahika.




